|
Last day ng foundation namin to. So, isang beses lang ako nakasakay ng octopus this foudation. Tapos sobrang init pa! Ughh. Si John yang kasama ko, barkada at schoolmate ko. Sa sobrang init, hiniram ko na yung cap nya. :) 01/11/12 - 11:30 PM. ♥
Habang katext ko siya(Ex). Pinalabas nya ako sa terrace para makita ko yung buwan, ang ganda kasi. Actually every night naman pinapalabas nya ako kapag katext ko sya para makita yung buwan. Minsan nga 30 minutes call, buwan pinag-uusapan nami tapos mga kalokohan. Napapasaya nya talaga ako sa pagkwekwento nya. As in matutulog nalang ako nakatawa pa ako. Ilang days lang namin kaming ganyan kase 3 weeks lang sila dito sa Pinas, tapos nung last week na lang nila dun kami nagkatawagan halos text lang kase, So ayun, nasanay na akong tinitignan yung buwan, iniisip ko kung ngayon nasa Guam na sya, tinitignan nya pa kaya yung buwan? Naalala nya pa kaya ako? Parang ganon mga tanong ko sa sarili ko na hindi ko naman masagot. Tapos ang weird pa, mula nung umalis sya dito nung 14, di ko pa nakita yung buwan na maganda. Namimiss ko talaga yung moment na yun, yung tawa ko, at syempre pati sya. Nagpapadaan pa ako ng GM sa phone nya, baka sakali kase may magreply kahit imposible naman. Hindi ko alam kung mahal ko pa sya o nag flashback lang talaga yung nararamdaman ko para saknya date, basta alam ko hindi na nya yata ako mahal, pero lilipas din to. Sana makita nya sa facebook yang picture na yan at iLike nya. Lels. Yun lang. Namimiss ko lang talaga sya. |
|